23

Dec 8, 2021 @ 23:18
By

3 volleyball event itataguod ng ‘Pinas

Dalawang malaking torneo ng balibol ang idinagdag ng International Volleyball Federation sa Philippine National Volleyball Federation para idaos sa Metro Manila sa 2022.

Papalo ang 2022 FIVB Volleyball Nations League women’s division sa Pasay City sa June 14-19 na lalahukan ng United States, China, Japan, Russia, Belgium, Poland, Thailand at Canada.

Hahampas naman ang Japan, France, Russia, Slovenia, Argentina, Italy, Germany at Netherlands sa June 21-26 sa Quezon City sa VNL men’s side.

Unang nakuha ng bansa ang paghu-host sa Asian Senior Women’s Volleyball Championship sa papasok ding taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?