54

Jul 23, 2018 @ 21:11
By

3 Uzbek fighter, uupak sa GenSan

Tatlong unbeaten boxers mula Uzbekistan ang dadayo sa General Santos City para masubok ang tikas at galing ng mga Pilipinong boksingero sa ika-11 edisyon ng ‘Brawl at the Mall’ sa Hulyo 29 sa Robinsons Place Atrium.

Sasabak sina Jasur Akhmadjonov (5-0, 3 KOs), Ulugbek Sobirov (5-0, 3 KOs) at si Anvar Tuparov sa kani-kanilang laban.

Makakaharap sa lona ni Ahmadjonov si Rodel Wescenlao sa walong round ng bakbakan sa welterweight division, habang si Ulugbek ay makakaharap si Dennis Padua sa kanilang eight-round match. Upakan din sina Tuparov at Adam Diu Abdulhamid sa kanilang six-round super lightweight match.

“Filipino fight fans will witness three great international fights. Good boxers from Uzbekistan against tough Filipino fighters. Boxing fans should not miss the event,” ani Sanman Promotions CEO Jim Claude Manangquil.

Ang maint event ay sa pagitan ng kasalukuyang WBO Oriental Youth super flyweight champion na si Jade Bornea (11-0, 7 KOs) at ni Alvin Bais (15-12-1, 4 KOs).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?