81
Abante-TnT-buy-bust
Jul 17, 2018 @ 13:10
By

3 tulak timbog sa magkahiwalay na buy-bust ops sa Pasig

Nalambat ng Pasig police ang tatlong tulak ng droga matapos ang ikinasang magkakahiwalay na drug buy-bust operations kagabi sa Pasig City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director S/Supt. Bernabe Balba, nagsagawa ng magkakahiwalay na buy-bust operations ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasig police para sa paghuli sa tatlong notoryus na tulak na nagbebenta ng droga sa mga barangay ng Malinao, Caniogan at Pinagbuhatan.

Unang ikinasa ang buy-bust bandang alas-siyete ng gabi at nasakote ang tulak na si Wendell Gregorio, nasa hustong gulang at resdiente ng M.H. Del Pilar, Purok Carnia, Barangay Pinagbuhatan matapos magbenta ng shabu sa isang police poseur buyer.

Nasabat mula kay Gregorio ang anim na sachet na naglalaman ng shabu at P200 buy-bust money.

Bandang alas-otso ng gabi naman nang ikasa ang isa pang buy-bust sa Barangay Malinao na kung saan naaresto ang tulak na si Alvin Ebuenga, alyas Dikoy, sa kahabaan ng Farmers Ave., at nakuhanan ng pitong sachet ng droga at P200 buy-bust money.

Sa Barangay Caniogan, naaresto si Russell Alberto, alyas Tateng, sa kahabaan naman ng Pag-asa St., bandang alas-nuwebe ng gabi nang maaktuhan ng SDEU team kasama ang PCP 4 na nagbebenta ng droga.

Anim na sachet ng shabu ang nakuha mula kay Ebalo at ang P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell habang inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa kanila. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?