29
SHABU3
By

3 tulak, timbog sa buy-bust sa Mandaluyong

Sharing is caring!

Timbog ang tatlong kilalang mga tulak ng droga matapos ma-trap sa ikinasang drug buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Nakilala ang mga suspek na sina Jun Taronan y Garcia, Tanalyn Corpuz y Reyes at Romeo Del Mundo y Rivera, pawang mga nasa hustong gulang, walang trabaho at pawang pagtutulak ang ginagawang hanap-buhay at mga nakasama na sa listahan ng user/pusher ng Barangay Mabini.

Batay sa report, nagsagawa ng drug buy bust operation ang mga tauhan Mandaluyong Police Station’ Drug Enforcement Unit bandang 11:30 kamakalawa ng gabi sa Mendoza St. cor A. Mabini St., sakop ng Barangay Mabini, nang magpanggap na buyer ang isang kagawad ng pulisya.

Agad na dinakma ang mga suspek nang aktong ibibigay na ang droga sa buyer nito.

nabatid na notoryus pusher ang mga suspek na matagal nang minamanmanan ng mga pulis hanggang sa nagpositibo sila sa ulat na nandoon ang mga suspek sa pinagtataguang lugar na kung saan naganap ang bentahan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang sache na naglalaman ng shabu at P200 buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?