62

By

3 tulak, sabit sa buy bust sa Mandaluyong

Arestado ang tatlong kilalang tulak ng ipinagbabawal na droga makaraang magtalo sa pakikipagtransaksyon sa isang police poseur buyer sa ikinasang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 Sec.5 and Sec.11 o o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Juanito Santos y Macalalad, 48-anyos, residente ng 415 Block 27, Barangay Addition Hills; Marvin Reyes y Duran, 41-anyos, construction worker, residente ng 584 Nueve de Pebrero St; at Jeffrey Quimson y Figueroa, 34-anyos ng 564 Block 27, Barangay Addition Hills Mandaluyong City.

Batay sa report, nagsagawa ng drug buy bust operation ang mga tauhan ng drug enforcement unit ng Mandaluyong Police at isang Police Officer 2 Simeon ang nagpanggap na poseur buyer at nakipagtransaksyon sa isa sa mga suspek para bumili ng droga bandang 9:30 kamakalawa ng gabi sa Block 37, Barangay Addition Hills.

Nabatid na nakikipagtransaksyon din sina Reyes at Quimson kay Santos para kumuha ng droga hanggang sa positibong ibibigay na ang shabu ay agad na nalambat ang tatlong tulak ng Mandaluyong.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu at P500 buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Mandaluyong detention cell habang inihahanda ang kasong laban sa kanila sa Prosecutors Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?