71
Tulak nalambat sa Mandaluyong
Dec 15, 2017 @ 16:38
By

3 tulak huli sa QC

Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlo umanong drug pusher sa Quezon City.

Kinilala ni La Loma Police Station (PS-1) chief, P/Supt. Robert Sales ang naarestong si Jonathan Guerrero, 39, ng Brgy. Manresa, sa isinagawang buy-bust bandang alas-11:30 ng hapon, Disyembre 13, 2017, sa Dagot St., malapit sa kanto ng Biak na Bato St., Brgy. Manresa.

Nakumpiska sa kanya ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Naaresto naman ng Galas Police Station (PS-11) sa ilalim ni P/Supt. Igmedio Bernaldez ang suspek na sina Rico Ocenar, 38-anyos, at Rhed Bunagan, 27, kapwa residente ng Brgy. Sangandaan, Project 8, bandang alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 14, 2017.

Si Ocenar ay naaktuhan pang may hawak na pakete ng shabu ng mga operatiba ng anti-illegal drug operations sa Quezon Ave., malapit sa Banawe St., Brgy. Doña Josefa, at ibibigay sana kay Bunagan. Nakumpiska sa dalawang nasabing tulak ang anim na pakete ng shabu.

Ang tatlong nadakip ay kinasuhan na ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?