By

3 tulak, 2 adik nalambat sa buy-bust sa Marikina

Sharing is caring!

Dinakip ng Marikina Police ang tatlong tulak ng droga at dalawang drug adik sa ikinasang buy bust operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Martes ng gabi sa Barangay Nangka, Marikina City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni PSSupt. Roger Quesada, nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng SDEU bandang 10:00 kamakalawa ng gabi sa J.P. Rizal St., sakop ng Barangay Nangka, Marikina na ikinaaresto ng tatlong target ng buy bust na sina Varren Santos y Cabal, 28-anyos, residente ng 867 J.P. Rizal St., Nangka; Rudolf John Evangelista y Brizal, 31-anyos, Uber driver, residente ng Block II, Lot 2, Sunny Ville 5, San Mateo Rizal at Rolando Santos y Boncales, 52-anyos ng 867 J.P Rizal St., Nangka, Marikina City

Naaresto rin sina Darwin Cruz y Hipolito, 38-anyos, residente ng 25 P. Sandoval St., Barangay Burgos San Mateo Rizal at Rolando Timbre y Panso, 39-anyos ng 22 Rosas St., Barangay Parang, Marikina City.

Batay sa report, nakatanggap ng impormasyon si PInsp. Greco Gonzales, hepe ng SDEU kaugnay sa illegal drug activity nina Santos at Evangelista kaya agad na ikinasa ang operation.

Umaktong poseur buyer ang isang police asset at nakipagtransaksyon kina Santos at Evangelista at agad na dinakma ang lima na nahulihan ng illegal na droga at shabu paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong sa Marikina detention cell ang limang suspek habang inihahanda ang mga kaso laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?