12

Sep 8, 2020 @ 16:53
By

3 tsikiting ni LeBron absent sa bubble

KAPANSIN-PANSIN na wala sa Walt Disney World resort sa Orlando ang mga anak ni LeBron James.

Pagpasok ng second round ng playoffs, pinayagan na ng NBA na pumasok sa bubble at manood ng laro ang pamilya ng players ng teams na hindi pa nakakalos.

Kaya nagdatingan na ang mga asawa, anak, girlfriends ng mga nasa second round.

Maliban sa mga anak ng The King.

Absent sina Bronny, Bryce at bunsong si Zhuri.

Ang misis lang ni James na si Savannah ang bumisita.

Pagkatapos ng 117-109 win ng Lakers sa Rockets para itabla ang West semis sa 1-1, may paliwanag si LeBron kung bakit hindi kumpleto ang James Gang.

“There’s nothing for them to do…My kids are too adventurous,” ani James, mula kay Melissa Rohlin ng Sports Illustrated.

Hindi lang naman si James, may ilang players ding hindi na nagpapunta ng mga batang anak sa bubble.

Mahigpit ang bilin ni NBA commissioner Adam Silver na hindi puwedeng magpagala-gala sa camp ang mga bisita, lalo na ang mga bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?