88

By

3 tourism establishment, ipinasasara ng COA

Sharing is caring!

Inirekomenda ng Commission on Audit (COA) ang pagsasara ng tatlong tourism establishments na pinatatakbo ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Ito’y ang Club Intramuros Golf Course (CIGC), Balicasag Island Dive Resort (BIDR) at ang Gardens of Malasag Eco Tourism Village.

Sa 2017 annual audit report para sa TIEZA, tinukoy ng COA ang pagbibigay ng diskwento at free-of-charge privileges sa golfers na naglalaro sa CIGC na isa sa dahilan ng pagkalugi nito sa nakalipas na mga taon.

Ang BIDR naman ay nalulugi dahil sa mahinang marketing strategies.

“The BIDR was not able to attain its targetted income for CY 2017, incurring a deficiet amounting to P2.401 million because the appropriate sales and marketing strategies have not been properly instituted,” sabi ng COA.

Ayon sa state auditors, umabot na sa P28.42 million ang lugi ng BIDR, CIGC at GMETV.

“It was also noted that for the past three years, three of the five entities, namely BIDR, CIGC and GMETV have continuously been incurring losses in the total amount of P105,086, thus, the continued operation of these three entities may no longer be advantageous to the government,” dagdag ng COA.

Kasabay nito’y hinimok din ng COA ang ahensya na kasuhan ang mga airline na bigo pa ring mag-remit sa gobyerno ng kanilang travel tax collections na umabot na ng P92.154 million.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?