1,220

By

3 todas sa bakbakan ng militar, NPA sa Oriental Mindoro

Patay ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkuwentro sa tropa ng militar sa Barangay Panaytayan, Oriental Mindoro, Biyernes ng hapon.

Batay sa report ng Police Regional Office 4B, nakasagupa ng 4th Infantry Battalion ang may 40 miyembro ng NPA alas-kuwatro ng hapon sa Sitio Kalibang, Barangay Panaytayan.

Nagpapatrolya ang militar sa nasabing lugar nang paputukan sila ng nakapaligid na mga miyembro ng NPA na naging dahilan para gumanti ng putok ang mga sundalo at ikinasawi ng tatlong miyembro ng mga kalaban.

Agad na umatras ang mga NPA patungo sa Sitio Mawan at iniwan ang mga namatay nilang kasamahan.

Narekober sa lugar ang tatlong M16 rifle at isang AK47 rifle na pag-aari ng mga NPA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?