4
views
aksidente

3 todas, ilan pa sugatan sa aksidente sa Bacolod

Sharing is caring!

Nasawi ang tatlong pasahero ng tricycle habang sugatan ang iba sa aksidente sa Bacolod City, Negros Occidental ngayong Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat, kinilala ang mga namatay na sina Erlinda Villar, Melinda Disoro, at Rodelyn Nasis.

Nabangga ang tricycle ng Ford Eco Sport sa BS Aquino Drive sa Barangay Villamonte.

May pito umanong pasahero na sakay ang tricycle na pauwi na sana sa kanilang bahay mula sa ospital nang mangyari ang insidente.

Sa kasalukuyan, walang iba pang detalye hinggil sa pagkakakilanlan ng iba pang biktima habang sinusulat ang balitang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?