7
ABANTE teenager marijuana hithit
By

3 tinedyer kalaboso matapos maaktuhang humihithit ng marijuana

Sharing is caring!

Huli sa aktong humihithit ng marijuana ang tatlong teenagers kabilang ang isang dalagita sa kalsada sa Caloocan City, gabi kahapon.

Sa ulat ng Caloocan City Police Presinto 7, alas-8:30 ng gabi naaresto sa Area B, Libis Dulo, Barangay 164 sina Renan Zafra, 18-anyos, ng Quezon City; Jhustine Kyle Vasquez, 16, at Ciara Mae Divino, 19,.

Tumawag sa Barangay 164 ang isang concerned citizen at isinumbong ang lantarang paggamit ng marijuana ng tatlo sa mataong kalsada sa nasabig lugar.

Humingi naman ng responde ang barangay sa Presinto 7 at nahuli sa akto ang tatlo.

Agad nahuli sina Zafra at Divino habang nakatakbo pa si Vasquez na kalaunan ay inilaglag ng dalawa niyang kasama at itinuro ang bahay.

Narekober sa mga suspek ang dalawang pirasong binalot na marijuana, dalawang sachet ng pinatuyong marijuana at dalawang may sindi ng stick ng marijuana.

Nasa kustodiya na ng Caloocan City detention cell ang dalawa habang sa city social welfare naman dinala si Vasquez. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?