12

By

3 timbog sa iligal na droga sa Maynila

Sharing is caring!

Arestado ang tatlo katao sa magkahiwalay na anti-criminality campaign ng Manila Police District (MPD).

Unang nadakip ang dalawang lalaki sa buy-bust operation ng MPD Station 5, Station Drug Enforcement Team sa Block 9 Extension, Baseco Compound.

Kinilala ni Police Chief Inspector Salvador Tangdol ang mga suspek na sina Midtimbang Mahrof, 24-anyos, residente ng Baseco; at Yasser Omar, 26, residente naman ng Quiapo.

Narekober sa dalawa ang tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Kasalukuyan nang nakapiit ang dalawa sa Ermita Police Station 5 habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa kanila.

Samantala, arestado naman ang isang Teejay dela Cruz, 23, matapos maaktuhan ng mga nagpapatrolyang pulis habang hawak-hawak ang isang glass tube na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Partikular na nadakip ang suspek ng operatiba ng Hermosa Police Community Precinct sa bahagi ng Pilar St., Tondo.

Kasong paglabag naman sa RA 9165 ang kakaharapin ng suspek na nakakulong na rin sa himpilan ng Hermosa PCP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?