5

By

3 timbog sa droga sa Maynila

Sharing is caring!

Arestado ng mga elemento ng Station Drug Enforcement Team ng Raxabago-Tondo Police Station ng Manila Police District ang tatlong lalaki na suspek sa pagtutulak ng droga.

Sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation ay nahuli ang suspek na si Rodolfo Periaflor y Cabayan, alyas Dodoy, 43-anyos, residente ng Gagalangin, Tondo, na kabilang sa drug watchlist.

Nadakip din sa kaparehong operasyon si Jonathan Abando y Mendoza, alyas Jojo, 37, ng DM Compound, Caloocan City, na nakalista rin sa drugs watchlist.

Kinilala naman ang isa pang nasa watchlist na si Eugene Mirontos y Colata, 29, residente ng Barangay Llano, Caloocan City.

Nangyari ang pagsakote sa tatlo alas-2:30 ng madaling-araw ngayong Hulyo 1 sa bahagi ng Maria Guizon Street, Gagalangin.

Narekober ng mga awtoridad sa mga suspek ang tatlong piraso ng sachet ng shabu.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?