84

Jul 31, 2019 @ 15:20
By

3 tepok sa iligal na koneksyon ng kuryente

Namatay ang tatlong lalaki matapos makuryente sa inaayos na electric operated deep well na iligal na nakakonekta sa linya ng kuryente, Martes ng tanghali sa bayan ng Pitogo, Zamboanga Del Sur.

Dead on the spot ang mga biktimang sina Clint Baslut Doydora, 49, negosyante at dalawang laborer na sina Jlito Elnar Ratsu, 35, at Eliscio Dalagin Dumunod, 47, pawang residente ng nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-12:05 ng tanghali sa likod bahay ng biktimang si Doydora sa Purok 1, Barangay Sugbay, Pitogo ng nasabing bayan.

Nauna dito, kinontrata ni Doydora sina Ratsu at Dumunod para mag-ayos ng kanyang deep well water pump.

Subalit sa kalagitnaan ng pagsasaayos ng mga biktima ay bigla na lang silang nadikit sa kawad na nabalatan dahilan upang sabay-sabay silang makuryente na dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Sa imbestigasyon ng Pitogo Municipal Police Station kasama si Dr. Erickson Padunan ng Pitogo Rural Helath Unit, lumalabas na pawang idineklarang dead on the spot ang mga biktima dahil sa high voltage na kuryente bunsod ng naka-tap na illigal connection.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?