203

Jan 2, 2018 @ 18:17
By

3 Taiwanese nagpa-‘BJ’ sa 4 bading, nagoyo

Pinaghahanap ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na mga bading na bagets na nang-blackmail at nagnakaw sa tatlong Taiwanese na kanilang minasahe at pagkatapos ay pumayag ng ‘extra service’ gaya ng ‘handjob’ at ‘blowjob’ sa isang condominium sa Eastwood, Quezon City nitong Disyembre 30, 2017.

Sa ulat kay P/Supt. Wilson Delos Santos, hepe ng Eastwood Police Station 12, ang mga biktimang Taiwanese ay nakilalang sina Yu Hua Wu, dalaga; Hao-Cheng Feng, 27; at William Lin, parehong lalaki, pawang nagtatrabaho bilang Marketing Analyst-IBM at magkakasamang naninirahan sa Unit 24 E. Tower 2, Olympic Heights Condominium Eastwood, Brgy. Bagumbayan ng nasabing lungsod.

Ang mga suspek na pawang menor-de-edad ay nakilala lamang sa pamamagitan ng visitors logbook ng condominium na sina Ern Dela Torre, Patrick Visconde, Aiko Mandosa, at Alexis Vargas.

sa imbestigasyon ni SPO1 Jonar Jorta, ng Eastwood Police Station 12, alas-kuwatro ng madaling-araw ng Disyembre 30, 2017, inimbitahan ni Lin ang dalawang bagets na sina Dela Torre at Visconde sa kanilang condo unit para magpamasahe.

Habang nagpapamasahe ang tatlong dayuhan ay nag-alok ng ‘extra service’ ang mga suspek gaya ng ‘handjob’ at ‘blowjob’

sa halagang P3,000 bawat isa na pinayagan naman ng mga biktima.Nang pumayag ang mga Taiwanese sa ‘extra service’ ay lumabas ang isa sa mga suspek at pagbalik nito ay kasama na sina Mandosa at Vargas.

Matapos ang ‘extra service’ ay sinabi ng mga suspek na dagdagan ang bayad sa kanila dahil sila ay mga minor at kung hindi papayag ang mga ito ay magsusumbong sila sa mga pulis.

Sa takot ng mga Taiwanese ay binigyan ng P20,000 ang mga suspek subalit hindi pa nakuntento ang mga ito at humihingi pa ng karagdagang P50,000 pero hindi na pumayag ang mga dayuhan.

Dahil dito ay puwersahang binuksan ng mga suspek ang drawer ng mga biktima at nilimas ang mga gamit nito saka tumakas. Agad na tinawagan ng mga biktima ang security in-charge ng condo na nakilalang si Dionesio Bagtong, na siyang nag-report sa himpilan ng pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?