28

By

3 suspek sa ‘rent-a-car scam’ arestado

Sharing is caring!

Tatlong kalalakihang karnaper na ang modus ay magre-rent ng sasakyan ang inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Anti-Carnapping Section of the District Special Operations Unit (ANCAR-DSOU) sa patuloy na isinasagawang ‘anti-criminality’ campaign sa lungsod.

Kinilala ni QCPD Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., ang mga suspek na sina Manchester Uy, 42-anyos, Broker; Omar Clores, 34-anyos, trailer driver, kapwa residente ng Belmonte St. West Wing Villa, at Kurt Siegffred Mercado, 25-anyos, naninirahan sa Brgy. Batasan Hills ng nasabing lungsod..

Ayon sa ulat ay dakong alas-10 ng gabi, (August 7 2018), ay nirentahan ng nagpakilalang si John David Villanueva ang isang Ford Everest, model 2018, na may nakakabit na dalawang Global Positioning System mula sa nagpapa-rentang si Lindsay Rivera, residente ng GSIS Village Entrance Gate, Brgy. Talipapa, at sinabing isasauli ang sasakyan sa August 10.

Ngunit noong August 8, 2018 ay napansin ni Rivera na nakasara ang isa sa GPS ng sasakyan subalit hindid ito makontak. Sa kabutihang palad aniya ay gumana ang isang GPS at na-trace ang sasakyan na nakaparada sa harap ng isang banko sa kahabaan ng Mayaman St., Brgy. Central.

Bandang alass-4:30 ng hapon, August 10, 2018, ay pumunta ang biktima sa lugar at kinumpirmang nakaparada nga doon ang sasakyan dahilan para hingin niya ang tulong ng ANCAR- QCPD na nagresulta sa pagkakabawi ng sasakyan.

Ang driver, na nakilalang si Mr. Federico Noveno, ay sinasabihan tungkol sa sitwasyon ng sasakyan at nagpasyang boluntaryo namang ibalik ang kotse.

Sa imbestigasyon ay sinabi ni Noveno na ang sasakyan ay isinanla sa kanya ni Uy noong August 8, 2018 sa presyong P300, 000 at nangakong tutubusin sa loob ng isang buwan na may 10% interes.

Isiniwalat din ni Noveno na nakatakdang pumunta si Uy sa kanyang tinutuluyan bandang 9:00 ng gabi nang araw ding iyon, kaya agad na nagbantay ang mga operatiba ng ANCAR na nagresulta sa pagkakaaresto kay Uy at dalawa pang hinihinalaang kasabwat nito na dumating sakay ng isang Toyota Innova.

Matapos siyasatin ng mga awtoridad ang sinakyang Innova ng mga suspek ay lumitaw ang sasakyan na nakarehistro sa pangalang Cesar Domingo ay inireport na nawawala simula pa noong July 30, 2018.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng QCPD habang inihahanda naa ang kasong paglabag sa R.A. 10883 (Anti-Carnapping Law).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?