43
views
arrested
By

3 suspek sa pagpatay sa abogado sa Cebu, arestado

Sharing is caring!

Nalambat na ng mga awtoridad ang tatlo sa apat na suspek na bumaril sa abogadong si Salvador Solima at sa asawa nitong si Verosse Lim Solima.

Ayon sa report, nahuli si Ricarte Del Coro, 32, sa buy-bust operation na isinagawa ng Punta Princesa police precinct habang ang magkapatid na sina Alvin at Alberto Baluyos Jr., na kasabwat umano sa krimen, ay naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ngayong umaga.

Nakumpiska umano kay Del Coro ang hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na baril.

Si Del Coro umano ang itinuro ng nakasaksi na isa sa bumaril sa mag-asawa.

Sina Salvador at Verosse ay binaril sa loob ng kanilang bahay sa Singson Village, Barangay Guadalupe, Cebu City noong Hulyo 2.

Idineklarang patay si Salvador ilang oras matapos ang insidente habang kritikal ang lagay ng misis nito dahil sa tama ng bala sa ulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?