38

By

3 suspek sa pag-ambush sa Japanese businesswoman sa Cebu, kinikilala na

Sharing is caring!

Inaalam na ng Mambaling Police ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek sa pagpatay sa isang Japanese businesswoman sa Barangay Duljo-Fatima.

Ayon kay Chief Insp. Randy Caballes, hepe ng Mambaling Police Station, nakilala ang biktima na si Junko Hamada, 71-anyos at residente ng Cebu sa loob ng 20 taon, presidente ng Beams Philippines Export Corp.

Batay sa report, pauwi na si Hamada sa Escario Street nang tambangan ng riding-in-tandem sa harap ng gasoline station sa N. Bacalso Ave. bago mag-alas otso, Biyernes nang gabi.

Ayon sa Mambaling Police, iniimbestigahan na nila ang closed-circuit television (CCTV) cameras para sa pagkakakilanlan ng mga salarin at iba pang anggulo ng pagpatay sa negosyante.

Habang hindi muna ilalabas ng pulisya ang larawan ng kanilang mga suspek sa pagpatay sa mayamang negosyante upang hindi mabulabog ang imbestigasyon sa kaso.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Japanese consulate upang maimbestigahan ang kaso at mapagbigay-alam sa mga pamilya nito na nasa Japan.

Hindi naman makatarungan ang ginawa sa negosyante, ayon kay Cebu City Mayor Tomas Osmeña, dahil kawalan ang pagkawala ng head ng malaking Japanese investor sa Cebu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?