24

By

3 suspek na wanted sa China, arestado

Iniharap sa publiko sa pamamagitan ng media ang tatlong Chinese national na takas sa kanilang bansa.

Pinangunahan ito nina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Guillermo Eleazar, Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Dante Jimenez at ilang kinatawan ng Bureau of Immigration (BI).

Ang tatlong suspect ay kabilang sa 277 Chinese national na itinuturing na fugitives at illegal alliens na pumasok sa Pilipinas para magtago at takasan ang kanilang kasong kinakaharap sa kanilang bansa.

Kinilala ang tatlong suspect na sina Chen Xianfeng, 42; Wang Changsen, 27; at Qin Shuxin 24, habang pinaghahanap pa ang isa sa kanilang kasama na si Qi Heng 30, pawang may mga kaso sa China.

Habang ang 274 pang Chinese ay bina-validate at under investigation dahil naman sa kakulangan ng kanilang mga dokumento.

Pero sinabi ng immigration official na ang 274 Chinese ang kinansela na ang pasaporte kung kaya’t maikukunsidera na silang illegal allien sa Pilipinas.

Nabatid din na ang tatlong Chinesse na takas ay mahigit 1,000 na ang nabiktima sa kasong economic crimes sa kanilang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?