14

Jan 17, 2021 @ 15:19
By

3 sundalo tinambangan ng NPA todas

Patay ang tatlong sundalo sa Legazpi City, Albay matapos silang tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army.

Ayon kay Lieutenant General Antonio Parlade ng Southern Luzon Command, nangyari ang pananambang sa Bgy. Bangkerohan.

Aniya, walang armas na dala ang mga biktima at nakasuot ng sibilyan na damit dahil dadalo sana ang mga ito sa isang pagpupulong.

Hinala ng mga militar, paghihiganti ang pangunahing motibo ng mga suspek sa krimen.

Nagsagawa raw kasi sila ng mga combat operation laban sa NPA kung saan 11 miyembro nito, kasama ang isang vice platoon leader, ang sumuko.

Hindi na pinangalanan pa ni Parlade ang mga nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?