10

Sep 24, 2020 @ 16:08
By

3 sundalo sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

Tatlong sundalo ang sugatan matapos isang anti-personnel mine ang sumabog habang nagsasagawa sila ng combat clearing operation sa Ampatuan, Maguindanao nitong Huwebes.

Mula ang mga sugatang sundalo sa 57th Infantry Battalion ng Philippine Army, ayon sa Western Mindanao Command.

Dinala na ang mga sundalong sugatan sa Camp Siongco Station Hospital sa Datu Odin Sinsuat town.

Magugunitang noong Miyerkoles nadiskubre ng tropa ng militar ang isang abandonadong kampo na pinaniniwalaang staging area ng Dawlah Islamiyah.

Nasabat sa lugar ang mga homemade bomb.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?