12

Jan 15, 2021 @ 0:29
By

3 sundalo, 1 sibilyan todas sa Lanao Del Norte

Patay ang tatlong sundalo at isang sibilyan matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Lanao del Norte ngayong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang mga sundalo bilang mga kawani ng 43rd Mechanized Company na nakadesitino sa Tangclao Detachment, Poona Piagapo.

Samantala, hindi pa nakikilala ang residenteng biktima.

Ayon kay Lt.Gen. Corleto Vinluan Jr, nangyari ang pamamaril bandang alas otso y media ng umaga sa pagitan ng Poona Piagapo at Pantao Ragat ng naturang probinsya.

“Troops immediately responded and proceeded to the area to validate the information. Upon arrival, the responding team discovered 4 dead bodies with gunshot wounds,” ani Vinluan.

Ani Lt. Col. Domingo Dulay, commander ng 4th Mechanized Infantry Battalion, sakay ng motorsiklo ang tatlong sundalo nang nangyari ang insidente.

Kasalukuyan nang umaarangkada ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?