588

Jul 22, 2021 @ 10:44
By

3 sugatan sa barilan: Dugo dumanak sa Bucks championship party

Nauwi sa karahasan ang pagdiriwang ng NBA championship ng Milwaukee Bucks sa kanto ng Water Street at Juneau Avenue,

Ayon sa report ng Journal Sentinel, naganap ang insidente hatinggabi ng Miyerkoles matapos magkampeon ang Bucks.

Ayon sa pulisya, dose-dosenang putok ang kanilang narinig sa championship celebration, kung saan tatlong katao ang nagtamo ng sugat.

Isang 18-anyos at 25-anyos, kapwa lalaki at residente ng Milwaukee, ang nasa kustodiya na ng mga pulis.

Aabot umano sa 100,000 katao ang nagdiwang sa pagkapanalo ng Bucks sa Deer District.

Bukod pa sa pamamaril, isa pang lalaki ang inaresto rin matapos na masaktan ang isang pulis dahil sa pagtulak nito sa metal gate.

Isang 21-anyos na lalaki naman na lango sa alak ang dinakip din ng pulisya matapos subukang itutok ang bitbit nitong baril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?