73

Jan 13, 2022 @ 19:12
By

3 sugatan nang magkainitan mga residente, demolition team sa Cavite

Sugatan ang 3 indibidwal matapos na magkainitan ang mga residente at demolition team sa Santa Mercedes sa Cavite nitong Huwebes.

Batay sa salaysay ng Bagong Alyansa Makabayan (Bayan)-Cavite, 12 putok ng baril ang pinakawalan ng pulisya kung saan mayroon tinamaan ng bala sa tiyan at binti.

Mayroon din umanong pinagbubugbog ng demolition team.

“Mayroong tinamaan sa tiyan, may timaaan sa binti. ‘Yung isa kasi ay automatic na kinuha, tapos binugbog pa ng demolition team,” pahayag ng tagapagsalita ng Bayan-Cavite na si Jerry Caristia.

Dagdag pa ni Caristia, tinangka pa umanong makipag negosasyon ng mga residente sa mga awtoridad ngunit walang gustong makipag-usap sa kanila.

“Bago mangyari iyon, we are initiating the… and the sheriff, the demolition team, kung sino mang head nila, to negotiate peacefully. Pero walang gustong makipag-usap sa aming mga paralegal worker na nandoon,” paliwanag nito.

Ayon naman sa pulisya, naunang pinagbabato ng mga residente ang kanilang hanay habang ibinibigay ang demolition order, ngunit siniguro nila na pairalin umano ang maximum tolerance.

Sa ngayon, itinigil muna ang pagbabaklas ng mga bahay. Nanawagan din ang mga residente sa lugar kay Maragondon Mayor Reynaldo Rillo at Cavite Governor Jonvic Remulla na ‘wag ituloy ang demolisyon lalo na ngayon may COVID-19 sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?