By

3 sugarol tiklo sa anti-crime ops

Sharing is caring!

Nalambat ng pulisya ang tatlo katao na nagsusugal sa kalsada kaugnay sa pinaigting na anti-criminality ops ng pulisya sa Marikina City.

Kulong ngayon sa Marikina detention cell sina Edgar Sumacad y Luarez; Lucy Vitalicio at Jhonarie Bagus y Faberdo, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Barangay Tumana, Marikina City at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling act.

Batay sa report, nagsasagawa ng anti-illegal gambling operation ang pulisya alas-3:30 kamakalawa ng hapon sa isang bahay sa Patola St., sakop ng Barangay Tumana, nang mapansin ang grupo ng kalalakihan na nanonood ng sugal na tong-its at agad nagkalasan makaraang makita ang paparating na pulis.

Nakumpiska ang isang set ng baraha at P105.00 bet money.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?