73

By

3 sparmates salitan kay Pacquiao

Sharing is caring!

Eksakto dalawang linggo bago ang bugbugan nila ni Lucas Matthysse, itinodo na lahat ni Manny Pacquiao ang kanyang ensayo sa Wild Card Gym sa General Santos City.

Pinagsalitan ng 39-anyos na eight-division champion ang tatlong sparring partners ng tig-apat na rounds nitong Sabado para sa kabuuang 12 at ipakitang handang-handa na siya sa July 15 clash sa 35-anyos na WBA welterweight titlist.

“We are right on track. We have two weeks more to go and Manny is ready. We don’t want him to peak too soon,” deklara ng chief trainer na si Buboy Fernandez sa panayam ng philboxing.com

Pakay ni Pacquiao ang ika-11 world title at kauna-unahan mula sa World Boxing Association (WBA) pero ingat pa rin si Buboy na ma-overtrain ang kaibigan.

Susubukang agawin ni Pacquiao ang WBA 147-pound belt ni Matthysse, tinaguriang La Maquina, sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?