3

By

3 softball squad hataw sa 45th LLSWS 2018

Sharing is caring!

Nagkuwalipika ang tatlong koponan ng Pilipinas sa 45th Little League Softball World Series (LLSWS) 2018 pagkaraang mawalis ang mga karibal nitong linggo sa Asia Pacific Regionals sa Singapore.

Dinale ng Negros Occidental ang Little League 12-Under at Junior League Softball 14-U division titles habang nasakote ng Tanauan ang Senior League 16-Phl U play crown sa malinis na pagdomina ng Pinay softbelles sa Aspac magkasunod na taon.

Ginarote ng Negrense Little Leaguers ang Singaporeans sa tatlong hambalusan 28-0, 15-0, 20-0 para makipkip ang diadem at muling makabiyahe sa LLS World Series sa Portland sa Agosto 8-15.

Umangas din ang kanilang junior, dinismentel ang punong abalang estadong lungsod 17-0 at alpas sa Australia 5-4 sa elims, saka muling pinanis ang Aussies sa finals 10-0 upang muli ring sumulong bilang Aspac bet sa JLS Worlds sa Hulyo 29-Aug. 4 sa Kirkland, Washington. Pakay ng Negros na patayan, ‘di man lampasan, ang nadaklot na silver medal sa 2017 WS.

Hndi naman nagpaiwan ang Tanauan, hinarbat ang seniors diadem sa perpektong rekord din, laban sa Singapore 16-0, Australiaans 10-0, at China 8-1 sa elims bago umupo agad sa first finals slot via 10-1 win kontra Chinese at muling demolisyong 10-0 sa finals sa China.

Nakatingala na rin ang Tanauan softbelles sa SLS World Series sa Jul. 30-Aug. 5 sa Lower Sussex, Delaware. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?