34

Mar 31, 2020 @ 11:25
By

3 siyudad sa Cebu, nagkasundo sa pagpapapasok ng kani-kanilang residente

Nagkaroon ng ‘reciprocity agreement’ ang tatlong siyudad sa Cebu para luwagan ang kanilang border restriction sa ilang tao na pasok sa exemption.

Ayon sa memorandum na naka-address kay Mandaue City Police Office chief Police Colonel Jonathan Abella, ang tatlong siyudad sa Cebu province ay ang Cebu City, Mandaue at Lapu-Lapu.

Nakasunod umano ang kanilang kasunduan sa tinakdang guideline ng the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Task Force (IATF-MEID).

β€œIn this end, it is requested that our personnel manning our checkpoints in the City be apprised of the Executive Orders of both Cebu City and Lapu-Lapu City in order for the exempted personnel as well as essential goods and cargoes as stipulated in their respective Executive Orders be granted entry into the City of Mandaue without the need of any passes,” saad sa memo.

Ang ansabing memo ay taliwas naman sa nilabas na polisiya ng Cebu provincial government dahil sinara na ng Cebu province ang kanilang border mula Cebu City dahil nasa ilalim na rin sila ng enhanced community quarantine matapos umabot ang kanilang kaso sa 20.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?