109

Jun 16, 2021 @ 11:52
By

3 sinalvage diniretso sa sementeryo

Gilit ang leeg, burdado ng saksak, at tama ng baril ang nakita sa tatlong bangkay na inilagay sa isang sementeryo sa Calubian, Leyte.

Ayon sa Police Regional Office 8, dalawang bangkay ng lalaki at isa namang katawan ng babae ang namataan sa isang sementeryo sa Brgy. Padoga.

Nakita umano ito ng mga residente na kaagad sinumbong sa Calubian Municipal Police Station.

Dito nakita ng mga pulis ang mga bangkay, kung saan may makikita ring tali sa mga katawan nito.

Posibleng edad 30 hanggang 35 umano ang dalawang lalaki, habang 25 hanggang 30 anyos naman ang babaeng sinalvage.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang naturang insidente at hindi pa tinutukoy ang pagkakakilanlan ng mga bangkay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?