9
awc
By

3 silver, 4 bronze nasungkit ng Pinay lifters sa Uzbekistan

Sharing is caring!

Nakapag-uwi ng tatlong pilak at apat na tansong medalya ang mga pambato ng Pilipinas sa 25th Asian Junior Women at 32nd Asian Junior Men Weightlifting Championships na ginanap sa Yoshlik Sports Complex sa Urgench, Uzbekistan.

Si Elreen Ann Ando ng Cebu ang nakapagbulsa ng dalawang silver at isang bronze sa Junior 63kgs category, habang nadale ni Ma. Dessa delos Santos ng Zamboanga ang isang silver at dalawang bronzes sa Junior 58kgs category.

Samantala, nakuha naman ni Elien Rose Perez ng Bohol ang bronze sa Junior 53kgs category.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?