79

Dec 25, 2017 @ 15:55
By

3 senior citizens sa Makati pinamaskuhan ng tig-P100K

Masaya ang naging Pasko ng tatlong centenarians sa Makati City matapos silang regulahan ng pamahalaang-lungsod ng tig-P100,000.

Personal na pinuntahan ni Mayor Abby Binay sina Africa Reynoso, ng Barangay Forbes at Leng Gee Lee, ng Dasmarinas Village na kapwa nagdiwang ng kanilang ika-100 kaarawan ngayon taon.

Binigyan din ng P100,000 ang pamilya ni Carolina Domingo, ng Barangay Sta. Cruz, na umabot ng edad na 103 bago namayapa noong nakaraang Agosto.

Base sa isang ordinansa sa lungsod, ang lahat ng residente na aabot ng isang siglo ay bibiyayaan ng P100,000.

Samantala, 79,000 senior citizens ng Makati City ang tumanggap na ng kanilang Christmas cash gifts mula P1,500 hanggang P2,500 at ito ay mula sa inilaan na P326.2 milyon ng lokal na pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?