6
pnp5
By

3 senador, 61 iba pa hirit ang security escort sa PNP

Sharing is caring!

Ibinunyag ng Philippine National Police (PNP) na may 64 kakandidato sa eleksyon sa susunod na taon ang humiling nang mabigyan ng police security.

Sinabi ni PNP Police Security and Protection Group (PSPG) Director Filmore Escobal ang may request sa kanilang opisina ay tatlong senador, 49 kongresista, anim na lokal na opisyal at tatlong pribadong indibiduwal.

Aniya ang request ay dumating sa kanila matapos ang mga pag-atake sa mga politiko sa Batangas, Cavite at La Union.

Ipinaliwanag nito na kailangan munang magsagawa sila ng ‘threat assessment’ para pagbasehan kung tatanggihan o pagbibigyan ang mga hirit na mabigyan ng ‘police security details’.

Dagdag nito, ikukunsidera nila kung naging target na ng karahasan na may kinalaman sa politika ang 64.

Gayundin aniya, ang sitwasyon sa lugar, kasama na ang presensiya ng private armed groups (PAGs), hired killers at ng mga itinuturing na kaaway ng gobyerno.

Ikukunsidera din ang pag-apruba ng Comelec sa mga paghingi ng mga police bodyguard.

Bangit ni Escobal may 116 silang tauhan na maaring italaga sa mga kandidato sa eleksyon at inaasahan nila na dadagsa pa ang mga katulad na hirit lalo na sa mga kandidato sa mga lugar na matindi ang hidwaang-politikal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?