11

By

3 sekyu sugatan sa pagsabog ng granada

Sharing is caring!

Sugatan sa pagsabog ng granada kaninang madaling-araw ang tatlong security guard na pawang nakatalaga sa Carmel Development Corporation.

Kasunod ito ng naganap na pangungumpronta sa kanila ng mga residente sa Pangarap Village, Caloocan City dahil naman sa nangyaring sunog na agaran ding naapula.

Kinilala ang mga sugatan na sina Michael Maramag, 32; Nelson Villalobos, 53; at Ariel Tejero, 29, na nagpapagamot na sa Dr. Jose N. Reyes Memorial Hospital matapos na magtamo ng mga lapnos gawa ng pagsabog.

Nagkaroon umano ng komprontasyon sa pagitan ng mga residente sa lugar at mga guwardiya alas-dos ng madaling-araw sa Pangarap Village, Barangay 181, ilang saglit lang ay isang pagsabog na ang naganap.

Sa pag-iimbestiga, bago umano naganap ang pagsabog ay nakita umano na may tatlong kalalakihang mga nakasuot ng bonnet at uniporme na pang-sekyu ang nagtatago malapit sa lugar.

Isa umano sa mga ito ang nagpaputok ng shotgun at pagkatapos ay naganap na ang malakas na pagsabog.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?