98

Jan 15, 2018 @ 18:14
By

3 SC justices, walang sama ng loob kay Sereno

Kanya-kanyang tanggi ang mga mahistrado ng Korte Suprema na may sama sila ng loob kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa impeachment hearing, isa-isang tinanong ni Deputy Speaker Ferdinand Hernandez sina Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin at Samuel Martires kung ang dahilan ng pagtestigo nila ay dahil biased sila laban sa Punong Mahistrado.

Sagot ni Peralta, wala siyang sama ng loob kay Sereno at iginagalang niya ang Chief Justice.

“I have no grudge against the Chief Justice. I respect the Chief Justice. Lahat ng in-assign sa akin, tinanggap ko,” ani Peralta.

Sa panig ni Bersamin, pumunta lamang daw siya sa hearing dahil sa imbitasyon ng House justice committee pero kung hindi siya inimbitahan ay hindi siya magboboluntaryong humarap sa pagdinig.

“Wala akong sama ng loob sa CJ. Mahal ko siya… ako po ay hindi biased sa kanya,” sabi ni Bersamin.

Ayon naman kay Martires, kung meron sa kanilang tatlo ang may sama ng loob kay Sereno, dapat ay siya ‘yon dahil hindi ito bumoto sa kanyang nominasyon.

“When I was stated, she apologized to me. I have nothing against the CJ. Wala po akong sama ng loob kay CJ. She has been good to me,” ayon kay Martires. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?