148
ABANTE Justices Lucas Bersamin Diosdado Peralta Samuel Martires sereno hearing
Jan 15, 2018 @ 12:02
By

3 SC justices humarap sa Sereno impeachment hearing

Itinuloy ngayon ng House justice committee ang pagdinig sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Humarap sa hearing sina Supreme Court Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta, at Samuel Martires.

Sa kanyang pagtestigo, nilinaw ni Martires na hindi siya testigo ng complainant na si Atty. Larry Gadon.

“I’d like first to clarify that I came here upon the invitation of the committee. I did not come here as a witness of Atty. Gadon, contrary to what my friends in the media are saying that I am here because I am a witness of Atty. Gadon. I came here because of the invitation that I could not refuse,” paglilinaw ni Martires.

Tumestigo si Martires tungkol sa kanyang pinonenteng desisyon kaugnay ng survivorship benefits ng mga hukom at mahistrado.

Sinabi nito na ang pinagbasehan lamang niya sa desisyon ay ang batas kung saan nakasaad na ang mga namatay bago at pagkatapos maging epektibo ang RA 9946 ay dapat mabigyan ng survivorship benefits basta’t nakasunod ang mga ito sa kailangang years of service.

Inaasahang tetestigo naman si Bersamin sa rules and procedures ng Korte Suprema gayundin sa mga en banc decisions kung saan nalabag umano ni Sereno ang pagiging collegial decisions.

Si Peralta naman na dating acting chairman ng Judicial and Bar Council (JBC) ay tetestigo sa alegasyon na minanipula ng punkng mahistrado ang JBC shortlist. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?