453

Dec 30, 2017 @ 16:42
By

3 sawa, 29 higad nakumpiska sa Makati

Kabilang ang tatlong bungkos ng sawa at 29 piraso ng higad sa 720 kahon at piraso ng mga iligal na paputok na nakumpiska ng Makati City Police.

Sa ulat ng Southern Police District, nakakumpiska rin ang Makati City Police ng mga paputok na plapla, bawang, crying cow, whistlebomb, kuwitis, five star, Roman candle at piccolo, na nagkakahalaga ng P40,000.

Sa Pasay City at Parañaque City, mga pakete ng piccolo at pop-pop naman ang kinumpiska.

Samantala, sa mga lungsod ng Taguig, Muntinlupa, Las Piñas at sa bayan ng Pateros ay wala pang nakumpiskang mga iligal na paputok.

Wala pa ring naitatalang kaso ng indiscriminate firing, stray bullet incidents, firecracker-related injuries at sunog dahil sa paputok sa timog na bahagi ng Metro Manila simula noong nakaraang Disyembre 16. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?