10

Dec 19, 2020 @ 18:24
By

3 sama ng panahon nakakaapekto sa bansa

Pinayuhang maghanda ang mga residente sa mga lugar na madaling bahain at magka-landslide.

Tatlong sama ng panahon ang makakaapekto sa bansa ngayong weekend, ayon sa Pagasa: ang Tropical Depression Vicky, Amihan at tail end of a frontal system.

Batay sa weather forecast ng Pagasa para bukas, makararanas ng malakas hanggang sa matinding pagbuhos ng ulan ang Bicol Region, Quezon, Aurora, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Sa ngayon ay nasa Sulu Sea si “Vicky” at inaasahang lilisanin ang bansa bukas ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?