33

Oct 12, 2021 @ 15:28
By

3 salarin sa Olalia, Alay-ay murder hinatulang guilty

Matapos ang mahigit tatlong dekada ay nakamtan ang hustisya at nahatulan ng guilty ang tatlong dating miyembro Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM) sa pagpatay sa labor leader na si Rolando Olalia at driver nitong si Leonor Alay-ay noong 1986.

Kinumpirma ni National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) president Edre Olalia na guilty ang naging hatol ng isang korte sa Antipolo City kina Desiderio Perez, Dennis Jabatan, at Fernando Casanovas.

Reclusion perpetua o pagkakabilanggong aabot sa 40 taon ang ipinataw na parusa ng korte laban sa tatlo.

“Iko-confirm ko na a few seconds ago, guilty ‘yung tatlong akusado,” pahayag ni Edre, na pinsan ni Rolando Olalia. “Guilty beyond reasonable doubt.”

Ang RAM ay isang grupo ng mga opisyal ng militar na tinangkang makuha ang kapangyarihan sa kasagsagan ng Cory Aquino administration.

Sina Rolando at Alay-ay umano ay dinukot ng tatlo at pinatay noong Nobyembre 1986.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,