38

Jan 27, 2020 @ 16:14
By

3 sakay ng nagkaaberyang yate, na-rescue sa Batanes

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Batanes ang tatlong pasahero ng isang yate noong Enero 26.

Ayon sa ulat, nagkaproblema ang yate na ginagamit sa diving nang salubungin ito ng malalaking alon sa Basco.

Maayos na ang kondisyon ng mga pasaherong sina Douglas Rutherford, 60; Emmanuel Domingo, 37, at Carson Chanthywong, 34.

Dinala sila sa Sanctuary Area sa Basco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?