73

Oct 12, 2017 @ 17:28

3 sa drug watchlist, itinumba sa inuman

Tatlong magkakaibigan na umanoy nasa watchlist sa kanilang barangay na gumagamit ng shabu ang binistay ng bala ng barilng limang hindi pa nakikilalang mga kalalakihan, habang masayang nag-iinuman sa Barangay Sangandan sa Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Charlie Sabijon Roxas Jr., 37, construction worker; Jimbo Paculan Laroco, 29, binata; at Joel Palmiano Inocencio, 38, may asawa, driver at pawang residente ng Premium Extension, Barangay Sangandaan ng nasabing lungsod. Sila ay namatay noon din sanhi ng tinamong maraming tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Julius Cesar Balbuena, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD) ang pamamaril ay naganap dakong alas-11:30 ng gabi sa harapan ng bahay ng isa sa mga napatay na si Roxas sa No. 133 Premium Extension corner Insurance, sa nasabing barangay.

Masaya umanong nag-iinuman ang tatlong biktima ng dumating ang limang kalalakihan na pawang armado ng baril at niratrat ang mga nag-iinuman. Nang masigurong patay na ang mga biktima ay naglakad lamang papatakas ang suspek.

Nabatid na ang tatlong napatay ay nasa watchlist ng kanilang barangay, matapos na sumurender sa isinagawang ‘Oplan Tokhang.”

Nasamsam sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang 20 basyo ng bala ng baril. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?