12
Sonny-Angara
By

3 sa 5 Pinoy na namatay nang hindi nakapagpa-doktor – Angara

Sharing is caring!

Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang pagsasabatas ng regular na pagbibigay ng gobyerno ng scholarship para sa mga gustong maging doktor.

Bukod sa matutulungan ang mahihirap na gustong magdoktor, mareresolba pa ang kakulangan nito ngayon.

Ayon kay Angara, lumitaw sa pag-aaral na tatlo (3) sa bawat limang (5) namatay na Pilipino ay hindi nakapagpasuri sa doktor at sa iba pang healthcare professional.

Karaniwan sa kanila ay nasa kanayunan na hindi inaabot ng mga doktor at espesyalista dahil naiipon ang mga ito sa lungsod at malalaking bayan.

Sinabi ni Angara na kumendasyon ng World Health Organization (WHO) na magkaroon ng 3 doktor, nurse at kumadrona sa bawat 10,000 populasyon.

Hindi rito nakatutugon ang Pilipinas na mayroon lang 2.3 na doktor, nurse at kumadrona sa bawat 10,000 Filipino, ayon sa Philippine College of Physicians.

“This means the country needs 10 times more our current number of health workers to be able to adequately meet the health needs of Filipinos. Three out of five Filipinos die without seeing a doctor, nurse or any other allied health professional. Hindi na ho biro ang laki ng kakulangan ng doktor sa bansa,” ayon kay Angara.

Kaugnay nito, inihain ni Angara ang Senate Bill 1157 o Medical Scholarship Bill kung saan layong sagutin ng gobyerno ang tuition, allowance para sa libro, uniform, renta sa bahay, transportasyon at iba pang gastusin ng magdo-doktor.

Kukunin ang mga scholar sa mga lalawigan, depende sa dami ng pangangailangan batay sa rekomendasyon ng Department of Health.

Kapag pumasa na sa medical board examination, kailangan nitong magsilbi ng limang taon sa kanilang provincial hospital at hindi pwedeng magtrabaho agad sa ibang bansa.

Ayon sa UP College of Medicine, 80% ng mga nagtapos dito ay umaalis ng bansa at sa abroad nagpapraktis ng medisina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?