187

Dec 17, 2017 @ 10:00
By

3 rookie cops, patay sa pagsalpok ng patrol car

Tepok ang tatlong bagitong pulis matapos sumalpok ang kanilang patrol car sa isang 10-wheeler truck sa Iguig, Cagayan kamakalawa ng gabi.

Matinding pinsala sa ulo ang tinamo ng mga biktimang sina PO1 Benjie Kate Pursen, driver; PO1 Basiad, at PO1 Galario, pawang mga taga-lalawigan ng Apayao, Cordillera Administrative Region (CAR).

Sugatan naman sina PO1 Charlo Kiat-Ong, PO1 Junrie Balong-Angay, at PO1 Venie Balangue.

Pauwi na ang mga pulis nang mag-overtake sila sa isang kotse na naging dahilan naman para sumalpok ito sa kasalubong na 10-wheeler truck na patungong Tuguegarao City.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa aksidente. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?