23

By

3 rehiyon target ng PNP ngayong Holy Week

Tututukan ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong rehiyon sa bansa dahil sa inaasahan nilang dadagsa ang mas maraming turista ngayong Holy Week at summer vacation.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao, mas mahigpit na imomonitor ng PNP ang Regions 7, 11 at 4B, ang mga rehiyon kung saan makikita ang malalaki at kilalang mga tourist destination.

Itinaas na aniya nila sa full alert status ang regional police offices sa mga rehiyong ito, ibig sabihin hindi na papayagang mag-leave ang PNP personnel para bantayan ang mga tourist destination.

Bukod sa tatlong rehiyon ay nakaalerto rin ang buong hanay ng PNP para magbantay sa lahat ng mga matataong lugar katulad ng bus terminals, paliparan, mga malalaking simbahan, tourist destination at vital installation.

Ang mahigpit na seguridad ng PNP ay ilalatag simula ngayong Holy Week at magtatagal hanggang buwan ng Hunyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?