12

Oct 17, 2020 @ 10:24
By

3 radio employee niratrat sa Maguindanao

Patay ang tatlong nagtatrabaho sa Kabalikat Radio Communication Group matapos na pagbabarilin ang mga ito ng grupo ng armadong kalalakihan sa Buluan, Maguindanao, Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Maguindanao police director Police Colonel Donald Madamba ang mga biktima na sina Lucman Rasul, Teng Lawan at Ilo Lawan.

Nakaupo umano malapit sa COVID-19 checkpoint ang tatlong biktima ng hintuan sila ng isang kotse at saka pinagbabaril.

Dalawa sa biktima ay todas sa pinangyarihan ng krimen, habang nasawi naman ang isa sa ospital.

Sa ngayon ay kinasa na ang manhunt operation para sa mga pumatay sa tatlo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?