60

Dec 27, 2017 @ 13:41
By

3 pusher tiklo sa buy-bust sa Pasig

Kulong ang tatlong kilalang drug pusher ng matapos magsagawa ng buy-bust operation ang Pasig police nang magpanggap na poseur buyer ang isang operatiba, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Julio Marquina y Agira, residente ng F. Manalo, Bambang; Roderick Rodrigo y Mateo at Edward Travino y Mapadat, nasa hustong gulang at kapwa residente ng R. Jabson, Bambang, Pasig City.

Batay sa report, nagsagawa ng buy-bust ang mga operatiba ng drug enforcement unit ng Pasig police sa Barangay Bambang na kung saan ay kilalang talamak ang bentahan ng droga sa nasabing lugar.

Unang naaresto sina Rodrigo at Travino bandang alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang aktong ibibigay na ang droga sa isang nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa dalawa ang anim na plastic sachet na naglalaman ng droga o shabu habang si Marquina naman ay naaresto bandang alas-10:30 kamakalawa ng gabi at nakumpiska sa kanya ang limang plastic sachet na naglalaman din ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang tatlo sa Pasig detention cell at inihahanda na ang kasong ihaharap sa Prosecutor’s Office. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?