57

By

3 pulong sa ASEAN, ‘di sinipot ni Duterte

Sharing is caring!

Tatlong mahahalagang pulong sa ginaganap na 33rd Association of South East Asian Nations (ASEAN) summit sa Singapore ang hindi dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Miyerkoles.

Kabilang dito ang ASEAN-Australia informal Breakfast summit, ASEAN-Republic of Korea Summit at ang working lunch summit na mismong si Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong ang host.

Sa halip ay si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang dumalo sa tatlong summit na hindi sinipot ng Pangulo.

Wala namang pahayag pa si Presidential Spokesman Salvador Panelo kung ano ang dahilan sa hindi pagdalo ng Pangulo sa tatlong mahalagang pulong.

Pero dumalo ang Pangulo sa ASEAN -China summit kaninang alas-9:30 ng umaga at ASEAN -Russian summit bandang alas-dos ng hapon.

Tikom naman ang bibig ni Panelo sa tanong kung pinipili lang ba ni Duterte ang dinadaluhang pulong.

Matatandaang madalas ibida ng Pangulo sa kanyang talumpati na mga kaibigan nina sina Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping dahil sa mga naitulong ng mga ito noong nahaharap ang bansa sa matinding problema dahil sa ‘Marawi crisis’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?