134

Nov 9, 2017 @ 18:40
By

3 pulis sibak sa paninipol

Sinibak na sa kani-kanilang mga puwesto kahapon ng umaga ang nasa tatlong pulis kasabay ng pagtukoy sa kanilang pagkakakilanlan ng kanilang mga kabaro sa Quezon City Police District (QCPD) na mga sangkot sa ‘catcalling’ incident noong nakaraang linggo sa kahabaan ng Katipunan Avenue Extension, Barangay Escopa II, Quezon City.

Kinilala ang mga sinibak na mga pulis na sina PO1 Domingo Cena, PO2 Rick Tanggilan at SPO2 Ariel Camirin na pawang mga tauhan din ng nasabing himpilan, na-identify ang mga ito sa tulong na rin ng CCTV footage na nakalap ng QCPD.

Base sa footage ay sakay umano ng Police Mobile 235 ang mga pulis na positibong kinilala ng biktimang itinago sa pangalang Magda, 17-anyos, na kanilang nabiktima, nahagip umano sa CCTV ang nasabing mobile sa magkabilang dulo ng Katipunan Avenue Extension sa may Boni Serrano at P. Tuazon ng nasabi ring lugar.

Ayon sa biktima, noong ika-2 ng Nobyembre, taong kasalukuyan, nasa Katipunan Avenue umano sila ng kanyang ina habang naglalakad nang dumaan ang nasabing police mobile, nagbaba umano ng bintana ang isa sa mga pulis na sakay ng mobile at tiningnan pa umano siya ng malaswa na nakilalang si PO1 Cena, tinukoy niya rin na si PO2 Tanggilan ang siyang nagmamaneho at sumipol sa kanya.

Bagama’t hindi naman kasama sa nambastos si SPO2 Camirin ay ni-relieve na rin ito ng kanyang hepe at nakatakdang sampahan ng kasong administratibo dahil naman sa kanyang pagsisinungaling na sakay siya ng mobile nang maganap ang insidente. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?