181
3 pulis-Quezon na nasangkot sa engkuwentro sa anak ng mayor, kinasuhan ng murder
By

3 pulis-Quezon na nasangkot sa engkuwentro sa anak ng mayor, kinasuhan ng murder

Sinampahan na ng kasong murder ang sinibak na hepe ng Tayabas City Police at dalawa pang pulis kaugnay ng naging shootout umano sa anak ng alkalde ng Sariaya, Quezon.

Kinilala ni Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde ang mga kinasuhan na si P/Lt. Col. Mark Joseph Laygo, at mga tauhan nitong sina Police Corporal Lonald Sumalpong at Patrolman Robert Legaspi.

Nag-ugat ang kaso noong Marso 14 nang rumesponde sa nangyari umanong pamamaril ang mga tauhan ng Tayabas City Police Station na kinasasangkutan ng dalawang gunman na sakay ng motorsiklo sa isang gasolinahan.

Nagkaroon umano ng engkuwento na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang suspek kung saan nadiskubre na isa sa mga namatay ay si Christian Gayeta, ang 21-anyos na anak ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta.

Kasalukuyan na umanong gumugulong ang imbestigasyon sa nangyari at kung totoong nagkaroon ng shootout.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?