471

Oct 27, 2017 @ 13:36

3 pulis na miyembro ng kidnapping syndicate, patay sa shootout

Apat na katao, kabilang ang tatlong pulis, na pinaniniwalaang miyembro umano ng kidnap for ransom sydicate ang napatay matapos ang ikinasang operasyon ng mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group sa Carmona, Cavite kaninang alas 4:36 ng madaling araw.

Ito ang kinumpirma ni Cavite Police Provincial Director Sr. Supt. William Segun.

Kinilala ang mga nasawing suspek na sina PO3 Rodel Estonactoc, PO1 Ramil Espejo, PO1 Rolando Albios at civilian asset na si Erwin Escobido

Sa tatlo si Estonactoc ang nasa active service.

Ayon kay Segun, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng PNP-AKG sa pangunguna ni PSupt Arthur Masongsong laban sa grupo ng KFR dahilan ng pagkamatay nito sa San Lazaro Road Sitio Ulong Tubig, Brgy. Mabuhay, Carmona.

Sa ulat pa ng PNP, nagsimulang i-surveillance ang grupo kagabi pa lamang mula sa may Pala-pala, Dasmarinas, Cavite pero nagkabarilan sa bahagi na ng Carmona, Cavite.

Ang grupo ng mga suspek ang hinihinaslang dumukot at pumatay sa negosyanteng junket operator sa Resorts World na si Carlos Tan noong October 21, 2017.

Nakita pa ng mga tauhan ng PNP-AKG na suot ni  PO3 Estonactoc ang relo ng biktimang si Tan.

Nakuha ng pulisya sa pinangyarihan ng shootout ang tatlong 9mm at isang kalibre 45. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?